Nasaktan si Health Secretary Francisco Duque III sa panawagan ng mga senador na magbitiw siya sa pwesto.
Sa teleconference meeting ng House Defeat COVID-19 Committee, inamin ni Duque na unfortunate at lubha siyang nasaktan sa ginawa ng mga senador na pinagbibitiw siya sa posisyon sa gitna ng krisis.
Sinabi pa ni Duque na sana ay naging mas “appreciative” o kinilala man lamang ng Senado ang kanilang efforts mula nang magsimula ang COVID-19 sa bansa.
Bagaman at ngayon aniya ay panahon dapat ng pagkakaisa ng lahat para labanan ang nagiisang kalaban na COVID-19, iginagalang pa rin niya ang naging opinyon ng 14 na senador para bumaba siya sa pwesto.
Gayunman, hanggang patuloy siyang pinagkakatiwalaanng ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magpapatuloy sa paninilbihan sa gobyerno.