Pangulong Duterte, labas sa resign call kay Duque – Lacson

Nilinaw ni Senator Panfilo Lacson na hindi nila hinihingi kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon sa senador, ang sinang-ayunan ng 16 na senador na resolusyon ay direktang panawagan kay Duque na magbitiw na.

Pag-amin din ni Lacson na bahala na si Duque kung ano ang gagawin sa panawagan ng mga senador.

Sinabi din nito na wala silang inirerekomendang ipapalit sa kalihim para bigyang laya si Pangulong Duterte na pumili.

Diin lang ni Lacson na malinaw naman na iisa ang mga dahilan ng mga senador sa panawagan.

Aniya, ang nais lang nila ay isang kalihim na may tunay na kakayahan na pamunuan ang DOH.

Read more...