Chinese expert team, nakipagpulong sa Technical Advisory Group ng DOH

Binisita ng Chinese expert team ang tanggapan ng Department of Health (DOH), Huwebes ng umaga (April 16).

Ayon sa Chinese Embassy sa Manila, nagsagawa ng online meeting ang Chinese expert team kasama ang Technical Advisory Group ng DOH.

Dumalo naman sa pulong si DOH Assistant Secretary Kenneth Ronquillo.

Ilan sa mga natalakay sa pulong ang field of infections protection sa mga ospital, diagnosis at treatment sa mga buntis, discharge standards at post-death placement.

Nakapagbigay ng paliwanag ang mga Chinese expert ukol sa mga nabanggit na usapin.

Nagpasalamat naman si Ronquillo sa ibinahaging kaalaman ng Chinese expert team.

Read more...