Ilocos Sur, COVID-19 free na

COVID-19 free na ang Ilocos Sur.

Ayon kay Governor Ryan Luis Singson, negatibo sa COVID-19 ang lumabas na resulta sa isinagawang 17 swab tests.

Sa ngayon, nasa 11 pa aniya ang naka-confine pa sa iba’t ibang pasilidad.

“Each of the six (6) PUI deaths is now cleared from COVID-19. Be assured, however, that their remains were properly handled for precautionary measures,” ani Singson.

Samantala, negatibo na rin aniya ang naunang kaso ng COVID-19.

Makikiisa pa rin aniya ang mga residente sa lalawigan na sumunod sa home quarantine.

Hinikayat pa rin ng gobernador ang mga residente sa lugar na manatili sa bahay at sundin ang panuntunan ng gobyerno at health experts.

Read more...