Ito ang naging pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III kasunod ng inilabas na resolusyon ng Senado para hilingin ang pagbibitiw nito sa pwesto.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kalihim na ang lahat ay nasa giyera na may “invisible enemy.”
Sa kabila ng mga pagsubok at limitadong resources, sinabi ni Duque na sinisiguro ng DOH na lumalaban ang Pilipinas kontra sa COVID-19.
“This is not a fight of one man or of one agency, it is a fight for all of us Filipinos,” pahayag ni Duque.
Sinabi nito na sasagutin niya ang mga ibinabatong alegasyon sa ibang panahon.
Sa ngayon, ipagpapatuloy aniya nila ang paglaban kontra sa nakakahawang sakit katuwang ang mga health care worker at iba pang frontliner.
“Let us work as a team, as one country fighting for the health and safety of all,” dagdag pa nito.
Patuloy aniya siyang maglilingkod sa bayan sa abot ng kaniyang makakaya.