Tarragona, Davao Oriental muling niyanig ng magkasunod na lindol

Niyanig ng magkasunod na magnitude 4.0 at 3.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 4.0 pagyanig sa 74 kilometers Southeast ng bayan ng Tarragona, alas-12:42 umaga ng Huwebes (April 16) at may lalim na 23 kilometers

Samantala, naitala naman ang magnitude 3.1 na lindol sa 73 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Tarragona, alas-10:08 umaga at may lalim na 1 kilometer.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...