Kinumpirma ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na inaprubahan na ng DOH ang operasyon ng COVID-19 testing center sa lungsod.
Ayon kay Teodoro handa nang magbukas ang kanilang testing center.
Sa ngayon ay sumasailalim na sa calibration ang polymerase reaction machine na gagamitin para sa mga kukuhaning swab samples.
Inaasahan ayon kay Teodoro na sa susunod na linggo ay fully operational na ang laboratory testing center.
MOST READ
LATEST STORIES