Mahigit 15,800 PUV drivers natanggap na ang ayuda mula sa Social Amelioration Program

Umabot na sa 15,854 Public Utility Vehicle (PUV) drivers ang nakakuha ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.

Ito ay simula nang umpisahan ang pamamahagi ng tulong noong April 7, 2020.

Ngayong araw ay tuloy ang pagbibgay ng tulong sa mga driver at ang namamahala ay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), katuwang ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Land Bank of the Philippines (LBP).

Layon ng SAP na mabigyan ng financial assistance ang mga tsuper ng PUVs na apektado ang kita dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa Luzon dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Upang malaman kung kasali ka sa listahan ng mga bibigyan ng cash assistance, mangyari lamang na tignan ang link na ito: https://tinyurl.com/SAPforDRIVERS

Para sa mga PUV drivers na pasok sa listahan, alamin ang mga requirements sa pagkuha ng ayuda sa pinakamalapit na branch ng Landbank sa inyong lugar: https://bit.ly/2XgvYgS

Narito naman ang link ng listahan ng mga branch ng Landbank na bukas ngayong araw, 16 Abril: https://www.landbank.com/…/list-of-open-branches-16-april-2…

Paalala ng LTFRB sa mga PUV drivers, sundin ang Social Distancing Guidelines habang ipno-proseso ang cash assistance.

 

 

 

Read more...