Nograles sa publiko: Sa malapit na lang mag-grocery para hindi na kailangang bumiyahe ng malayo

Photo grab from PCOO Facebook live video
“Wag nang maging picky”.

Ito ang naging payo ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, tagapagsalita ng inter agency task force on emerging infections diseases sa mga nag-grocery na tumatawid pa sa ibang siyudad.

“Huwag na lang po kasi kung ganyan lang din, wag na lang. Kasi kung mamimili lang dahil mamimili ka ng gusto mo kaya gusto mo pumunta sa ibang lugar, sa ibang siyudad kung mahahanap naman sa city mo or sa lugar mo doon nalang. Huwag nalang tayo picky kumbaga. In case of doubt, wag nalang. You have to understand the situation,” pahayag ni Nograles.

Kahapon lamang, ilang motorista ang nasampulan ng High Patrol Group ng Philippine National Police sa kahabaan ng Edsa na bumibiyahe nang hindi naman otorisado.

“Ngayon naghihigpit na tayo, dinala na po ng PNP ang HPG unit nila. Meron anng joint forces ang PNP at AFP, parang joint task force nila for quarantine. Dinadala na po ang ibang law enforcement agencies to the fronlines para bantayan po ang ating gma kalsada, higghway, public spaces. Ibigsabihin naghihigpit na po talaga tayo ngayon kasi ito ang napagusapan namin sa IATF meeting,” pahayag ni Nograles.

Nasa huling yugto na aniya ang Pilipinas sa pagpapatupad ng ECQ kung kaya lalong maghihigpit na ang pamahalaan para maituloy tuloy na ang sakripisyo ng bawat isa.

“Naghihigpit na tayo. let’s just…tuluy tuloy nalang natin kasi kung lahat ng sakripisyo natin mula sa pagumpisa nito, it’s been a month already tapos doon kapa sa…ang point is nagsakripisyo na lahat for how many week,s more than amonth and then we’re down to the tawag pa nga nila last stretch, tapos doon pa tayo sa last stretch naging complacent tapos dumami yung mga pasaway,” pahayag ni nograles

Mababalewala lamang aniya ang pagod at sakripisyo ng ng bawat isa.

“It just destroys everything diba. Marami namang nagcocompky pero napansin din naman kahit si Pangulo na marami nang mga pasaway so wala tayong choice kundi maghigpit tayo lalo. That’s why I’m saying when in doubt, wag nalang,” pahayag ni Nograles.

Read more...