Cainta mayor nakalikom na ng P249K sa pagsubasta ng mga sapatos; perang nalikom ipangtutulong sa mga residente

Umabot na sa P249,000 ang nalikom na halaga ni Cainta Mayor Johnielle Keith Nieto sa araw-araw niyang pag-subasta ng mga kuleksyon niyang sapatos.

Sa ikalawang araw pa lamang ng auction ni Nieto sa kaniyang mga sapatos ay P249,000 na ang nalikom.

Araw-araw ay tatlong pares ng sapatos niya ang isinusubasta ni Nieto.

Ang malilikom niyang halaga ay ipangtutulong sa mga pamilya na hindi nasakop ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

Read more...