71 drivers nahuli sa pagbiyahe sa EDSA kahapon

Umabot sa 71 driver ang nahuli sa pagbiyahe sa EDSA kahapon kahit hindi naman sila kabilang sa mga exempted sa umiiral na enhanced community quarantine.

Ayon kay Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) chief Police Brigadier General Eliseo Cruz, sa maghapon ay 71 ang naisyuhan ng violation tickets.

Ito ay dahil maituturing silang non-essential vehicles kaya hindi dapat sila bumibiyahe ngayong may ECQ.

Magpapatuloy ang pinaigting na kampanya ng HPG at MMDA sa EDSA.

Ang mga naisyuhan ng ticket ay maaring mapatawan ng multa ng P700 hanggang P1,000.

 

 

 

 

Read more...