Magnitude 3.6 at 3.4 na lindol tumama sa Tarragona, Davao Oriental

Niyanig ng magkasunod na magnitude 3.6 at 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.6 pagyanig sa 76 kilometers Southeast ng bayan ng Tarragona, alas-9:50 umaga ng Huwebes (April 16) at may lalim na 6 kilometers

Samantala, naitala naman ang magnitude 3.4 na lindol sa 72 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Tarragona, alas-10:08 umaga at may lalim na 6 kilometers

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...