Ayon kay DOST Sec. Fortunato de la Peña hiniling nila sa Department of Health (DOH) na payagan silang makapagtayo ng specimen collection booths na gagamitin sa pangongolekta ng samples mula sa mga hinihinalang COVID-19 patients.
Magihing magkatuwang ang DOH at DOST regional offices sa paghahatid at pag-iinstall ng mga nasabing specimen collection booths.
Narito ang mga kumpirmadong bilang ng mga ipagkakaloob na specimen booths sa bawat rehiyon:
NCR – 34
CAR – 6
Region 1 – 6
Region 2 – 6
Region 3 – 8
Region 4A – 4
Region 4B – 2
Region 5 – 5
Region 6 – 6
Region 7 – 7
Region 8 – 3
Region 9 – 10
Region 10 – 5
Region 11 – 4
Region 12 – 3
Caraga Region – 4
DOH Centers for Health Development (CHD) Offices – 19