Magallanes, Sorsogon niyanig ng magnitude 3.8 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 2 kilometers Northwest ng bayan ng Magallanes, alas-6:44 umaga ng Huwebes (April 16).

May lalim na 18 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...