Ayon kay FDCP chairperson Liza Diño Seguerra, dahil sa lockdown, maraming events, shoots, cinema screenings ang nakansela.
Labis aniyang apektado nito ang mga Freelance Audio-Visual Live Performance Worker.
Sa ilalim ng DEAR Program o Disaster Emergency Assistance and Relief Program ng FDCP target na matulungan ang 5,000 freelancers na hindi nakakapagtrabaho.
Prayoridad ang mga low-income earners.
Ang mga kwalipikado ay tatanggap ng P8,000 tulong-pinansyal.
Kabilang sa sakop ng programa ang mga “freelance” na talents at on-cam performers, production staff, technical crew, writers, editors, reporters, at photographers.