Rosario Maclang-Bautista General Hospital sa QC balik-operasyon na ngayong araw

Balik-operasyon na ngayong araw, April 16 ang Rosario Maclang-Bautista General Hospital sa Quezon City.

Ito ay makaraang isailalim sa disinfection ang pasilidad dahil ilan sa mga staff ng pagamutan ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa pahayag ng pagamutan, tiniyak na ligtas nang magtungo sa ospital at maari na ulit itong tumanggap ng mga pasyente.

Sinigurong naisagawa ang disinfection at sanitation sa lahat ng bahagi ng ospital.

Sa mga nais magpakonsulta, maaring magtungo sa emergency room ng pagamutan na bukas anumang oras, araw-araw.

 

Read more...