Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 218 kilometers Southwest ng bayan ng Sarangani, alas-4:45 madaling araw ng Huwebes (April 16).
May lalim na 33 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Nauna nang niyanig ng magnitude 3.0, 3.4 at 3.5 na lindol ang lalawigan kaninang alas-12:10, alas-12:20 at alas-2:11 ng madaling araw.
MOST READ
LATEST STORIES