Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magkasunod na lindol
By: Mary Rose Cabrales
- 5 years ago
Niyanig ng magnitude 3.0, 3.4 at 3.5 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.0 na pagyanig sa 269 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas-12:10 madaling araw ng Huwebes (April 16) at may lalim na 1 kilometer.
Sumunod na naitala ang magnitude 3.4 na pagyanig sa 95 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Sarangani, alas-12:20 ng madaling araw at may lalim na 20 kilometers.
Samantala, naitala rin ang magnitude 3.5 na pagyanig sa 282 kilometers Southeast sa bayan pa rin ng Sarangani, alas-2:11 ng madaling araw at may lalim na 5 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.