COVID-19 cases sa Navotas City, nasa 19 na

Napaulat ang dalawa pang kaso ng COVID-19 sa Navotas City.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang dalawang bagong pasyente ay nakatira sa Barangay Bangkulasi at Tangos North.

Kapwa nilagnat ang dalawa noong April 7 at napag-alamang mayroong pneumonia.

Sa huling datos hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (April 15), nasa 19 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing lugar.

Muli namang nanawagan ang alkalde sa mga residente sa Navotas na makiisa sa paglaban sa COVID-19.

Read more...