Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 180

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 180 ang kabuuang kaso (Miyerkules, April 15 5PM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

San Pedro – 30
Santa Rosa – 24
Biñan – 18
Calamba – 15
San Pablo – 14
Santa Cruz – 14
Los Baños – 13
Cabuyao – 8
Calauan – 5
Victoria – 5
Bay – 4
Liliw – 4
Nagcarlan – 4
Pagsanjan – 4
Alaminos – 3
Majayjay – 3
Pila – 3
Kalayaan – 2
Lumban – 2
Cavinti – 1
Famy – 1
Mabitac – 1
Paete – 1
Pakil – 1

Sa nasabing bilang 98 pa ang naka-admit sa mga ospital, 35 ang sumasailalim sa home quarantine at 32 na ang naka- recover.

Nasa 15 naman na ang bilang ng nasawi sa lalawigan.

Read more...