24 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Maynila

Nakapagtala ng 24 bagong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Sa datos ng Manila Health Department (MHD) hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (April 15), nasa 368 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Narito ang bilang ng naitalang kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Binondo – 6
– Ermita – 14
– Intramuros – 0
– Malate – 23
– Paco – 19
– Pandacan – 17
– Port Area – 3
– Quiapo – 5
– Sampaloc – 85
– San Andres – 28
– San Miguel – 8
– San Nicolas – 3
– Sta. Ana – 16
– Sta. Cruz – 31
– Sta. Mesa – 31
– Tondo 1 – 38
– Tondo 2 – 41

Ayon pa sa MHD, 329 residente ang maituturing na ‘probable’ at 87 ang ‘suspect’ na may COVID-19 sa Maynila.

31 naman sa lugar ang gumaling sa sakit habang 47 ang pumanaw.

Read more...