ECQ sa Davao Region, Davao City pinalawig pa

Palalawigin pa ang ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Davao Region, kabilang ang Davao City.

Sa halip na matapos sa April 19, isang linggo pa itong pinalawig hanggang April 26.

Ayon kay Mayor Sara Duterte, mananatiling sarado ang borders ng Davao City maliban lamang sa mga dinadalang suplay ng pagkain at emergency.

Sarado rin ang paliparan at mga pantalan sa nasabing lugar.

Paliwanag ng alkalde, napagdesisyunan ng mga opisyal sa rehiyon na palawigin ang ECQ matapos mapaulat ang tatlo pang bagong kaso ng COVID-19.

Read more...