Ayon kay dating Integrated Bar of the Philippines national president Vicente Joyas, dapat ay pinakinggan ng Ombudsman ang desisyon ng Supreme Court noong nakaraang taon tungkol sa pag-sasantabi ng condonation doctrine.
Giit ni Joyas, sinabi na ng Supreme Court na ang pag-abandona ng condonation doctrine sa kaso ni Junjun ay maaring magamit prospectively.
Kaya ani Joyas, kaya pang i-invoke ni Junjun ang nasabing doctrine dahil ang ibig sabihin ng prospectively, ay maari lamang itong gamitin sa mga kasong lilitaw pagkatapos ng desisyon.
Nakasaad sa condonation doctrine na ang mga re-elected officials ay hindi maaring habulin ng mga kasong administratibo kung ang pinagmulan ng mga kaso ay nagawa noon pang unang termino.
Ang re-election kasi ayon sa doktrinang ito, ay nangangahulugang pinatawad na ng mga constituents ang anumang nagawang mali ng pulitikong iyon.
Matatandaang na-dismiss si Junjun noong October ng nakaraang taon dahil sa anomalya sa Makati City Building 2.