Sketch ng suspek na bumaril at pinagnakawan ang isang finance officer sa Quiapo, inilabas na

 

Naglabas na ang mga pulis Maynila ng composite sketch ng suspek na pumatay at nagnakaw sa isang finance officer ng electronics and appliances center sa Quiapo.

Ayon kay Chief Insp. John Guiagui, hindi bababa sa tatlong testigo ang lumapit sa kanila para ilarawan ang itsura ng suspek na pumatay at nangnakaw kay Evelyn Dacatimbang ng A-Zone Electronics and Appliances.

Sa paglalawaran na kasama ng sketch, sinasabing ang suspek ay nasa edad 40 hanggang 43, mestizo, malaking bulas at nasa 5’8″ ang taas.

Noong February 1, naglalakad lamang si Dacatimbang patungo sa isang bangko para mag-deposito ng kita ng kanilang tindahan, nang barilin siya ng suspek sa ulo, at tinangay ang P100,000.

Ani Guiagui, ang paglutang ng tatlong testigo ay naging malaking tulong sa kanilang imbestigasyon dahil ang ibang testigong kanilang napagtanungan ay hindi mailarawan ang suspek dahil naka-sumbrero ito.

Samantala, bukod sa suspek na ito, isa pang person of interest ang katrabaho ni Dacatimbang na hinihinalang kasabwat sa krimen.

Read more...