Nagtataka naman si Zarate gayung ang maliliit na electric cooperatives ay ililibre ng isang buwang bill ang mahihirap nilang consumers.
Sabi ng kongresista, kung magagawa ito ng mga kooperatiba, mas kaya dapat ng Meralco dahil bilyones ang kapital at kita nito.
Giit ng mambabatas, maaaring i-waive rin ng Meralco at iba pang generation companies ang electric bills ng kanilang lifeline consumers at ipagpaliban ang pagbabayad ng dalawang buwan para sa iba, o kaya naman ay kaltasan kahit P500 ang bills ng lahat ng customers para sa dalawang buwan.
Sa ganitong paraan, maiibsan aniya kahit paano ang problemang pinansyal ng mga tao lalo na iyong mga natigil ang hanapbuhay.
Pahayag ito ng mambabatas kasunod ng anunsyo ng Meralco na magtataas ng singil sa kuryente sa buwan ng Abril.