Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 15, nasa 736 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 41 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 426 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 222 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Nanatili naman sa 88 ang bilang ng nasawing overseas Filipino dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Asia Pacific Region na may 269 na kaso.
Sumunod dito ang Europe na may 237 na kaso, Middle East/Africa na may 87 na kaso habang ang Americas naman ay may 143 cases.