Bilang ng pulis na apektado ng COVID-19, nasa 55 na

INQUIRER FILE PHOTO

Nadagdagan pa ng lima ang bilang ng tinamaan na pulis ng COVID-19.

Sa datos ng Philippine National Police Health Service hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (April 15), nasa 55 na ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19.

Ang limang bagong kaso ay ang mga sumusunod:
– 43-anyos na pulis sa Laguna
– 36-anyos na pulis sa Laguna
– 29-anyos na pulis sa Muntinlipa City
– 29-anyos na pulis sa Taguig City
– 50-anyos na lalaki sa Bulacan

Ayon kay PNPHS Director Police Brigadier General Herminio Tadeo Jr., mahigpit na tinututukan ang 105 PNP personnel na ikinokonsidera bilang Probable Persons Under Investigation (Probable PUIs).

Kabilang dito ang 20 police commissioned officers, 84 police non-commissioned officers at isang non-uniformed personnel.

Samantala, nasa 456 pulis naman ang Suspected Persons Under Investigation (Suspected PUIs) kasama ang 99 police commissioned officers, 320 police non-commissioned officers, at 37 non-uniformed personnel.

Sa ngayon, sinabi ng PNP Health Service na nananatili sa walo ang bilang ng gumaling na pulis sa nakakahawang sakit.

Read more...