Higit P70-M halaga ng shabu, nasabat sa apat na HVT sa Cavite

Nasamsam ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP DEG) ang 11 kilo ng hinihinalang shabu sa Dasmariñas, Cavite.

Isinagawa ang buy-bust operation ng PNP-DEG sa pangunguna ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. katuwang ang PDEA, araw ng Martes.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa apat na high-value target na sina Mohammad Akil M Esmail, Saimen A Esmail, at Clement Jnr Nwachukwu at Starboi Nwachukwu na kapwa African nationals.

Ayon sa PNP, ang nakuhang kontrabando ay may estimated DDB value na P70.4 milyon.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, ipagpapatuloy pa rin ng pambansang pulisya ang paglaban kontra sa mga sindikato ng ilegal na droga.

“Also, normal police function such as service of warrants of arrest, and other law enforcement operations will continue without let-up”, sinabi pa ng PNP chief.

Sa ngayon, ang apat na suspek ay nasa kustodiya ng PNP-DEG para sa mas malalim na imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

Read more...