BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, pumalo na sa 5,453

Patuloy pa rin ang paglobo ng kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (April 15), nasa 5,453 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

230 ang napaulat na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Nasa 14 namang pasyente ang nasawi dahilan para umakyat sa 349 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Samantala, mas mataas na ang bilang ng gumaling sa bansa kaysa sa nasawi dahil sa global pandemic.

Ayon sa DOH, nasa 58 pasyente ang bagong napaulat na gumaling sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa 353 ang total recoveries sa nasabing sakit sa bansa.

Read more...