LOOK: Sitwasyon sa Blumentritt Market, April 15

Iilan na lamang ang taong pumunta sa Blumentritt Market sa Lungsod ng Maynila, araw ng Miyerkules (April 15).

Batay sa larawang ibinahagi ng Manila Public Information Office (PIO), maluwag na ang mga kalsada sa pamilihin.

Ito ang unang araw makaraang ipatupad ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang bagong regulasyon sa Blumentritt Market.

Bumuhos kasi ang mga mamimili sa nasabing palengke noong araw ng Martes, April 14, kung saan halos hindi na sunod ang isang metrong layo sa bawat tao.

Isa sa mga itinakdang bagong panuntunan ng Manila LGU sa lugar ay ang pagkakaroon ng tatlong entry at exit points.

Nagtakda rin sila ng schedule kung anong oras maaaring makabili ang mga residente sa Maynila, hindi residente sa lungsod at wholesale buyers.

Read more...