Daan-daang commuters ang na-stranded nang mag-strike ang mga empleyado ng nag-iisang kumpanya ng bus na may biyaheng Cotabato-Davao.
Napilitan tuloy na sumakay na lang sa mga pampasaherong van ang mga commuters patungong Davao, North Cotabato, Davao del Sur at Davao Occidental, pero ang iba sa kanila ay hindi na lang tumuloy sa kanilang biyahe.
Nag-strike ang mga kundoktor, driver, inspektor at iba pang mga empleyado ng Mindanao Star, na dating Weena Bus, dahil sa hindi pa rin natutupad na pangakong dagdag-sahod sa kanila.
Ayon sa isang bus driver, nagka-isa silang gawin ito para hingin ang ipinangako sa kanila ng kanilang kumpanya na hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinibigay sa kanila.
‘Overworked’ na nga sila, ‘underpaid’ pa.
Ayaw ng ibang pasaherong sumakay sa mga UV express dahil ayon sa kanila, minsan masyadong mabilis magpatakbo ang mga ito.
Nasa 75 vans ang pumila sa terminal ng Mindanao Star para maisakay ang mga na-stranded na pasahero./