Pacquiao at Bradley, walang paglalabanang titulo sa Abril

 

Mula sa inquirer.net

Pormal nang binitiwan ni Timothy Bradley Jr. ang kaniyang WBO welterweight title, bago pa man ang kanilang laban ni People’s Champ Manny Pacquiao.

Sa liham na ipinadala ni Bradley sa World Boxing Organization, ipinaliwanag niya na dahil tinanggap na niya ang laban kontra Pacquiao sa April 9, hindi na niya maisasakatuparan ang kaniyang mandatory obligation sa WBO.

Ayon kasi sa utos ng WBO, si Sadam Ali dapat ang kaniyang makakalaban, ngunit dahil may nakatakda na silang laban ni Pacquiao, hindi na niya ito magagawa.

Ani Bradley, isang mahirap na desisyon ang kaniyang ginawa, pero ito ay para mabigyan ng magandang laban ang mga fans.

Dahil dito, wala nang nakatayang title sa magiging laban nila sa Abril, kaya pinaplano na ng WBO na magbigay na lang ng special award sa mananalo.

Sa sagot naman ni WBO president Francisco “Paco” Valcarcel, tiniyak niya kay Bradley na naiintindihan nila ang kaniyang desisyon, at pinuri pa ang boksingero sa palaging pag-pili sa mas ikasasaya ng kanilang fans.

 

Read more...