Sunog sumiklab sa residential area sa Tondo, Maynila

Tinupok ng apoy ang residential area sa Delpan, Tondo Maynila.

Nagsimula ang sunog alas 9:32 ng umaga na agad itinaas sa 3rd alarm.

Ang nasusunog na lugar ay sakop ng Brgy 287 Zone 26 District 3 malapit sa Delpan Bridge.

Alas 10:22 naman ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog.

Inaalam pa kung ilang bahay ang natupok.

 

Read more...