370 na katao huling lumabag sa curfew sa Rizal

Sa nakalipas na magdamag ay umabot sa 370 ang nahuling lumabag sa curfew sa lalawigan ng Rizal.

Ang datos ay mula sa iba’t ibang bayan sa Rizal mula alas 4:00 ng hapon ng Martes (April 14) hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng Miyerkules (April 15).

Pinakaraming nahuling lumabag sa Antipolo City na umabot sa 194 ang nahuli.

Narito ang bilang ng mga naaresto sa iba pang bayan:

Taytay – 45
Montalban – 37
Angono – 34
San Mateo – 22
Cainta – 15
Baras – 9
Cardona – 5
Jalajala – 5
Pililia – 4

Araw-araw na naglalabas ng datos ang Rizal Police Provincial Office ng bilang ng mga nahuhuling curfew violators sa lalawigan.

Read more...