Sabtang, Batanes niyanig ng magnitude 5 na lindol

Itinaas ng Phivolcs ang unang napaulat na magnitude 4.8 na lindol sa magnitude 5.0 na naitala sa bayan ng Sabtang sa lalawigan ng Batanes.

Naitala ang pagyanig alas 10:01 ng umaga ngayong Miyerkules, April 15.

Ang epicenter ng lindol ay sa layong 66 kilometers Southeast ng Sabtang.

8 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na mga intensities:

Intensity III – Basco, Ivana, Mahatao, Uyugan at Basco, Batanes; Calayan, Cagayan

Intensity II – Itbayat, Batanes

Read more...