Ito ay kaugnay sa paglabag ni Pimentel sa umiiral na enhanced community quarantine nang siya ay magtungo sa Makati Medical Center at ma-expose sa kaniya ang mga staff doon.
Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, tentative pa lang ang naturang petsa at maari pang mabago.
Naisilbi na rin kay Pimentel ang order na nag-aatas sa kaniyang maghain ng reply sa reklamo na isinampa ni Atty. Rico Quicho.
Si Asst. State Prosecutor Wendell Bendoval ang tutukoy kung ang reklamo ay may basehan para isulong sa korte o mababasura lamang.
Magugunitang umalma ang mga taga-Makati Med ng magtungo doon si Pimentel para samahahan ang buntis na asawa gayong ito ay COVID-19 positive.