Basey, Samar niyanig ng magnitude 5 na lindol

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bayan ng Basey sa lalawigan ng Samar.

Naitala ang pagyanig alas 9:07 ng umaga ngayong Miyerkules, April 15.

Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay sa layong 14 kilometers northeast ng Basey.

99 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na intensities:

Intensity IV – Basey at Sta. Rita, Samar; Tacloban City

Intensity III – Catbalogan City, Samar; Barugo, Palo, at Pastrana, Leyte; Lawaan, Eastern Samar;

Intensity II – Abuyog, Capoocan, Carigara, Dagami, Dulag, Jaro, Javier, at Tabontabon, Leyte; Borongan City, General MacArthur at Maydolong, Eastern Samar

Ayon sa Phivolcs maaring makapagtala pa ng aftershocks bunsod ng naturang pagyanig.

Read more...