Bilang ng mga pulis na infected ng COVID-19 umakyat na sa 50

INQUIRER FILE PHOTO
Umakyat na sa 50 ang bilang ng mga pulis na apektado ng COVID-19.

Ayon kay Police Lieutenant General Guillermo Eleazar, commander ng Joint Task Force CoViD Shield, sa nasabing bilang, umakyat na sa 8 ang naka-recover habang 3 na ang pumanaw.

Ang iba pa ay patuloy na nagpapagaling.

Libu-libong tauhan ng PNP ang nagsisilbing frontliners sa laban sa COVID-19 dahil sila ang nakamando sa mga checkpoint at sila din ang nagbabantay sa mga lugar na maaring dumugin ng mga tao gaya ng mga palengke.

Read more...