WATCH: Station commander ng MPD Station 3 personal na tumutok sa sitwasyon sa Blumentritt; may bitbit na baton

Bitbit ang pamalong baton, personal nang tinutukan ng station commander ng Manila Police District Station 3 ang sitwasyon sa Blumentritt Market.

Si MPD Station 3 Commander P/LtCol Reynaldo Magdaluyo ang nangangasiwa ngayon sa sitwasyon sa palengke para masigurong nasusunod ang polisiya.

Nagpatupad ng pagbabago sa schedule ng pamimili sa naturang palengke matapos maiulat ng Radyo Inquirer na puno ng tao ang palengke kahapon at hindi nasusunod ang social distancing.

Simula ngayong araw, ang mga residente ng Maynila lamang ang pwedeng mamili sa palengke mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Kung hindi residente ng Maynila ay maari lamang makapamili mula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 4:00 ng hapon.

Habang kung wholesale naman ang pamimili ay alas 4:00 ng hapon hanggang alas 7:00 gabi pwedeng mamili.

Read more...