Nadagdagan ang water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig sa Angat dam alas-6 umaga ng Miyerkules (April 15) ay nasa 193.01 meters mas mataas sa 192.95 meters na antas nito kahapon.
Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.48 meters mas mataas sa antas nito kahapon na nasa 100.40 meters habang ang water level ng La Mesa dam ay bahagyang nabawasan nasa 77.07 meters ngayong umaga mas mababa sa 77.09 meters na antas nito kahapon.
Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.