Mahigit 900 Canadian nationals na na-stranded sa Pilipinas nakaalis na

Nakaalis na ng bansa ang mahigit 900 Canadian nationals na na-stranded sa Pilipinas simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Tatlong flights ng Philippine Airlines ang nagsakay sa mga dayuhan na pawang holder ng permanent Canadian resident visas.

Ang Canadian Embassy ay nakipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) para makakuha ng special flights na sasakyan ng mga dayuhan.

Kahapon ay umalis na ang sumusunod na flights:

PR 118 Manila – Toronto (B777) (347 passengers)
PR5118 Manila – Toronto via Vancouver (A350) via Vancouver (263 passengers)
PR116 Manila – Vancouver (B777) (326 passengers)

 

 

Read more...