Pag-convert sa PhilSports Arena bilang quarantine facility sinimulan na

Inumpisahan na ang pag-convert sa PhilSports Arena o Ultra bilang quarantine faiclity.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Ultra ay lalagyan dun ng mga kwarto na paglalagakan ng mga pasyente.

Hahatiin sa tatlong section ang pasilidad para maihiwalay ang mga pasyente depende sa kanilang sintomas.

Kasya sa pasilidad ang mahigit 100 pasyente.

Kahapon ay sinimulan na rin ang pag-convert sa Filinvest Tent bilang isang COVID 19 facility.

Read more...