Globe may panibagong 30-day extension para sa pagbabayad ng bill ng customers

Nagbigay ng karagdagang 30-araw na extension ang Globe para sa pagbabayad ng bill ng kanilang customers.

Ayon sa Globe ito ay dahil extended ang pag-iral ng enhanced community quarantine hanggang sa April 30.

Una nang nagbigay ng extension ang Globe para sa bills payment ng hanggang April 15.

“We have initially provided a 30-day extension which expires on April 15. In effect, we have given a 60-day credit extension or at least 2 months of unpaid bills,” ayon sa Globe.

Maari pa rin namang magbayad ng bill kung nanaisin sa pamamagitan ng GlobeOne, Globe At Home at GCash Apps.

Read more...