Davao Occidental niyanig ng magkasunod na lindol

Dalawang beses niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.8 na lindol sa 466 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas-3:20 madaling araw ng Miyerkules (April 15) at may lalim na 113 kilometers.

Samantala, magnitude 3.6 naman ang sumunod na naitalang pagyanig sa 428 kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Sarangani, alas-3:28 ng madaling araw at may lalim na 92 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...