Valenzuela City, nakapagtala ng dalawang bagong kaso ng COVID-19

Dalawa pang pasyente sa Valenzuela City ang tinamaan ng COVID-19.

Batay sa Valenzuela City monitoring report hanggang 9:00, Martes ng gabi (April 14), nasa 46 na ang COVID-19 cases sa lungsod.

Ang dalawang bagong kaso ay isang 51-anyos na lalaki at isang 32-anyos na medical frontliner.

Patuloy namang tinututukan ang mga confirmed case at nagsasagawa ng contact tracing.

Tatlo ang gumaling habang apat ang pumanaw bunsod ng nasabing sakit.

Read more...