COVID-19 cases sa Laguna, umabot na sa 175

Nadagdagan pa ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Laguna.

Sa datos ng Laguna Provincial Health Office hanggang 7:00, Martes ng gabi (April 14), 98 pasyente ang naka-confine pa rin sa mga pagamutan.

35 naman ang nakasailalim sa home quarantine, 28 ang gumaling at 14 ang pumanaw bunsod ng sakit.

Pinakamaraming napaulat na kaso ng COVID-19 sa San Pedro na may 26.

Narito naman ang bilang ng COVID-19 cases sa iba pang bahagi ng lalawigan:
– Sta. Rosa – 24
– Biñan – 18
– Calamba – 15
– Sta. Cruz – 14
– Los Baños – 13
– San Pablo – 13
– Cabuyao – 8
– Calauan – 5
– Victoria – 5
– Bay – 4
– Liliw – 4
– Nagcarlan – 4
– Pagsanjan – 4
– Alaminos – 3
– Majayjay – 3
– Pila – 3
– Kalayaan – 2
– Lumban – 2
– Cavinti – 1
– Famy – 1
– Mabitac – 1
– Paete – 1
– Pakil – 1

Read more...