600,000 face masks, ipamimigay sa mga pamilya sa Maynila

Ipamamahagi ng Manila local government unit (LGU) ang mahigit 600,000 face masks sa mga residente sa lungsod.

Ayon sa Manila Public Information Office, ipamimigay ang mga face mask sa mga pamilya sa 896 barangay sa siyudad.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, isang face mask ang ibibigay sa quarantine pass holder ng bawat pamilya.

Sa 600,000 face masks, 500,000 ang washable face masks habang 100,000 naman ang surgical face masks.

Sinabi ng alkalde na ito ang ipinagkaloob sa Manila LGU ng LBC bilang proteksyon habang bumibili ng pagkain sa labas ng bahay.

Sa huling datos ng Manila Health Department hanggang 5:00, Martes ng hapon (April 14), nasa 344 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Read more...