Patuloy na nakakaapekto ang tail-end of a cold front sa bahagi ng Luzon.
Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Samuel Duran na nagdudulot ito ng maulap na kalangitan na may pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Silangang bahagi ng Southern Luzon partikular sa Quezon at Bicol region.
Magdadala naman ang Northeasterly Surface Windflow ng maulap na papawirin at isolated light rains sa bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera, Aurora, Rizal, Laguna at Batangas.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may posibleng mahihinang pag-ulan ang aasahan sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.
Wala naman aniyang inaasahang malalakas na pag-ulan sa Visayas at Mindanao.
Samantala, sinabi ni Duran na mayroong namumuong kaulapan sa Silangang bahagi ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Gayunman, hindi aniya inaasahang lalakas ito at magiging isang low pressure area.