Nakumpleto na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa ang 14 araw na self-quarantine.
Sa virtual address, sinabi ni Gamboa na natapos ang kaniyang self-quarantine sa araw ng Martes, April 14.
Base aniya ito sa abiso ng kaniyang mga doktor na mag-self quarantine dahil sa posibleng exposure nito sa COVID-19.
Sumailalim sa self-quarantine ang PNP chief sa Camp Crame sa Quezon City.
Matatandaang inanunsiyo ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac na negatibo sa COVID-19 sa Gamboa noong April 1.
MOST READ
LATEST STORIES