Pambu-bully ng China, dapat itigil na – US

 

Nakatakdang magbigay ng mensahe si US President Barack Obama sa summit na magaganap sa pagitan ng mga bansa sa  Southeast Asia.

Si Obama ang mangunguna pagpupulong ng mga kinatawan ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN saCalifornia sa susunod na linggo.

Ayon kay Ben Rhodes, US deputy national security adviser, inaasahang muling igigiit ni Obama sa kanyang mensahe na itigil na ng China ang ‘pambu-bully’ sa South China Sea.

Dapat aniyang maresolba ang isyu sa pamamagitan ng maayos nap ag-uusap at hindi sa ‘pag-bully’ ng isang malaking bansa tulad ng China sa mga maliliit na bansa sa rehiyon.

Bagaman hindi dadalo ang China sa ASEAN meeting, inaasahang magiging sa pagpupulong ang ginagawang reclamation ng China sa ilang mga isla at bahura sa South China Sea .

Bukod sa South China sea dispute, inaasahang bibigyang-pansin din ni Obama ang mga nuclear test na isinakatuparan ng North Korea kamakailan.

Read more...